LIMANG TAONG VALIDITY NG PRC LICENSE, ITINUTULAK NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN

40
Isinusulong ngayon ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang limang taong validity ng Professional Regulation Commission (PRC) License.
Sa Proposed Provincial Resolution No. 142 s. 2022 Requesting President Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng PRC the Extension of the Validity of PRC License from 3 years to 5 years ni Pangasinan Vice Governor Mark Lambino, sinabi nito na malaking pasanin sa mga professionals ang tatlong taong validity kung kaya’t may mga panawagan na ito ay i-extend hindi lang sa Pangasinan kundi sa buong bansa.
Aniya, upang mabawasan ang hirap ng komisyon at ng mga professionals ipinanawagan ito ng SP kay President Marcos Jr.

Hiniling naman ni SP Member Nicholi Jan Louie Sison sa Bise Gobernador na siyang author ng proposed resolution na maging co-authors ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan. | ifmnews
Facebook Comments