Limang wanted na may kasong Violence Against Women and Children, nadakip na ng PNP region 10

Cagayan De Oro, Philippines – Detinado ngayon ang limang wanted person, matapos madakip sa ginawang operasyon ng PNP region 10.

Nakilala ang mga suspetsado na sina Hercules Lugnasan ng Barangay Puerto dito sa siyudad, Roudel Bonita ng Oroquieta City, Ellier Jabagat ng Naawan Misamis Oriental, Bill Duhay Lungsod ng Lanao Del Norte, at Nena Peligrino ng Mambajao Camiguin.

Ayon kay PNP 10 Spokesperson Supt. Lemuel Gunda na ang mga suspetsado ay may hinaharap na maraming kaso ng RA 9262 o violence against women and children.


Nalaman na nadakip ang dalawa nito sa Misamis Occidental, isa sa Misamis Oriental at dalawa dito sa siyudad.
DZXL558

Facebook Comments