Limitadong operasyon ng LRT-2, inumpisahan na sa paghahanda ng opening ng East Extension Project

28

Nagsimula na ngayong araw ang higit isang linggong limitadong operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line-2.

Ayon sa pamunuan ng LRT-2, mula Recto station hanggang Cubao station lamang ang operasyon ng tren bilang paghahanda sa pagbubukas ng East Extension Project.


Tigil operasyon muna ang station ng Anonas, Katipunan at Santolan hanggang June 22.

Matatandaang nagsagawa ng integration test sa signaling ng LRT-2 mula Recto hanggang sa dalawang bagong istasyon nito sa Marikina at Antipolo.

Facebook Comments