Limited face-to-face classes sa lahat ng degree programs sa bansa, posible na sa 2022

117

Positibo ang Commission on Higher Education (CHED) sa pagbubukas ng limited face-to-face classes sa lahat ng degree programs sa bansa sa unang kwarter ng 2022.

Ayon kay CHED Chairman Popoy De Vera, alinsunod ito ng kanilang guidelines kung saan ikinokonsidera ang lagay ng bansa dahil sa COVID-19.


Kasalukuyan namang gumagawa ng guidelines ang mga eksperto na inaasahang maisasapinal sa Disyembre.

Sa ngayon, tanging ang mga 30 kurso pa lamang sa higher education institutions (HEIs) na may kinalaman sa Medicine and Allied Health Sciences ang pinapayagan sa face-to-face classes alinsunod sa pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments