LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES SA POZORUBBIOUMARANGKADA NA

Umarangkada na ang limited face-to-face classes sa bayan ng Pozorubbio partikular sa Sugcong Elementary school.

Sa mga larawan na ibinahagi ng lokal na pamahalaan makikita ang mga estudyante na naka face mask at isa-isang dumadaan sa body temperature bago makapasok sa silid-aralan.

Ang nasabing paaralan ay nabigyan ng go signal ng IATF at ng DepEd na simulan ang naturang programa.

Ayon sa lokal na pamahalaan naging matagumpay ang pagbubukas ng limited face-to-face classes at paninibago ng mga bata matapos ang dalawang taon na hindi nakita ng mga ito ang silid-aralan.

Bago pa man ito, dumaan ang paaralan sa evaluation process para masiguradong handa ang kanilang paaralan sa pagtanggap muli ng estudyante.

Samantala, nilimitahan ang bilang ng mga estudyante na papasok sa loob ng isang araw upang maipatupad ang physical distancing at proper ventilation. | ifmnews

Facebook Comments