Linconn Ong at Mohit Dargani, nasa maayos na kondisyon sa Pasay City Jail – BJMP

49

Nasa maayos na kondisyon sa loob ng Pasay City Jail ang dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina Linconn Ong at Mohit Dargani.

Ito ang inihayag ng Bureau of Jail Management and Penology matapos silang ilipat sa nasabing piitan noong Lunes mula sa Senado.

Ayon kay BJMP Spokesperson Xavier Solda, cooperative ang dalawa sa kanilang mga tauhan at unti-unti nang nakakapag-adjust.


Sa kasalukuyan, nasa isolation cell ang dalawa sa loob ng Pasay City Jail para sa mandatory quarantine na tatagal ng 10 hanggang 14 araw.

Matatandaang mismong si senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon ang nag-utos na ilipat sa city jail ang dalawa matapos hindi ibigay ang mga detalye kaugnay sa financial statements ng Pharmally.

Facebook Comments