LINE RECONDUCTORING WORKS | Ilang lugar sa Laguna, Cavite at Quezon City, makakaranas ng power interruption

43

Pansamantalang mawawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Sta. Rosa, Laguna, Trece Martires City, Cavite at Quezon City.

Alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon, walang kuryente sa ilang bahagi ng Barangay Don Jose sa Sta. Rosa City sa Laguna dahil sa line reconductoring works sa loob ng Mesa Land Subdivision.

Alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon, magkakaroon ng power interruption sa ilang bahagi ng Barangay Hugo Perez sa Trece Martirez City sa Cavite dahil sa installation of facilities ng Meralco sa loob ng Golden Horizon Subdivision Phase 2.

Simula alas-11:30 ng gabi hanggang alas-5:30 kinabukasan ng Sabado, brownout sa ilang bahagi ng mga Barangay Doña Imdela, Tatalon, Paligasahan, Roxas, Sta. Cruz, South Triangle at Sto. Domingo.

Ito ay dahil sa relocation at reconstruction ng facilities ng Meralco na apektado ng DPWH skyway stage 3 construction sa may bahagi ng G. Araneta Avenue.

Facebook Comments