Lineman, patay matapos makuryente habang inaayos ang suplay ng kuryente sa Negros Oriental

410

Patay ang isang lineman sa Tanjay, Negros Oriental habang sinusubukang ibalik ang suplay ng kuryente sa naturang lugar.

Kinilala ang biktima na si Ronald Gallarde, isang trimmer ng Negros Oriental Electric Cooperative (NORECO) II Tanjay City sub-office.

Batay sa ulat ng pulisya, aksidenteng nakuryente si Gallarde ng isang live wire habang tina-tap ang isang service drop wire na nagresulta sa kanyang kamatayan.


Ang mga power supply interruptions ay bunga ng pananalasa ni Bagyong Odette kung saan naglandfall ito sa bayan ng La Libertad sa Negros Oriental noong Disyembre 17.

Facebook Comments