Isinailalim sa malawakang paglilinis at disinfection ang pamilihang bayan ng Lingayen nitong Lunes, bilang bahagi ng regular na kampanya ng lokal na pamahalaan para mapanatiling ligtas at maayos ang pamilihan.
Pinangunahan ng mga kawani ng Public Market Section katuwang ang mga tindero at tindera ang aktibidad, kung saan isa-isang nilinis ang bawat stall, tinanggal ang mga basurang nakabara sa mga kanal, at sinigurong malinis ang mga dinadaanan ng mga mamimili.
Ayon sa pamunuan ng pamilihan, ang ganitong gawain ay isinasagawa buwan-buwan upang mapanatili ang kalinisan, maiwasan ang pagdami ng mga peste, at masiguro ang kaligtasan ng mga bumibili at nagtitinda sa lugar.
Facebook Comments









