Linggo ng palaspas,dinagsa ng mga tao sa mga simbahang katoliko

65

Maaga pa lang dagsa na ang mga tao sa mga simbahang katoliko para sa linggo ng Palaspas o Palm Sunday .

Ang Palm Sunday ay ang paggunita ng mga Katoliko sa pagpasok ni Hesus sa Herusalem bago ang kanyang kalbaryo.


Ito rin ang hudyat ng  pagsimula ng Semana Santa o Holy Week.

Sa labas ng St Peter Church  sa Commonweath Ave , nakahilera ang mga nagtitinda ng Palaspas.

Isang Lane ng Commonwealth ang isinara at inilaan para sa mga tao.

Nasa labas naman nakapuwesto ang mga pulis na nagbabantay , isang ambulansiya at mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa  Kristong Hari  church na kahilera lang ng St Peter church , sa gilid na ng Commonwealth Avenue  ginaganap ang misa dahil on going  pa ang konstruksyon  ng simbahan .

Isinara ang tatlong Lane ng Commonwealth at okupado ng mga taong nagsisimba.

Ayon sa QCPD, naging maayos at tahimik ang unang misa sa mga simbahan na pinaaimulan kaninang madaling araw.

Hindi naman nakaapekto sa daloy ng trapiko ang  motorcade na  pinasimulan  sa Sta. Cruz Church  na nagtapos sa Delpan sa Tondo Maynila.

Facebook Comments

From Advertisers