Maaga pa lang dagsa na ang mga tao sa mga simbahang katoliko para sa linggo ng Palaspas o Palm Sunday .
Ang Palm Sunday ay ang paggunita ng mga Katoliko sa pagpasok ni Hesus sa Herusalem bago ang kanyang kalbaryo.
Ito rin ang hudyat ngĀ pagsimula ng Semana Santa o Holy Week.
Sa labas ng St Peter ChurchĀ sa Commonweath Ave , nakahilera ang mga nagtitinda ng Palaspas.
Isang Lane ng Commonwealth ang isinara at inilaan para sa mga tao.
Nasa labas naman nakapuwesto ang mga pulis na nagbabantay , isang ambulansiya at mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
SaĀ Kristong HariĀ church na kahilera lang ng St Peter church , sa gilid na ng Commonwealth AvenueĀ ginaganap ang misa dahil on goingĀ pa ang konstruksyonĀ ng simbahan .
Isinara ang tatlong Lane ng Commonwealth at okupado ng mga taong nagsisimba.
Ayon sa QCPD, naging maayos at tahimik ang unang misa sa mga simbahan na pinaaimulan kaninang madaling araw.
Hindi naman nakaapekto sa daloy ng trapiko angĀ motorcade naĀ pinasimulanĀ sa Sta. Cruz ChurchĀ na nagtapos sa Delpan sa Tondo Maynila.