Linya ng komunikasyon sa loob ng Bilibid, dapat putulin para matigil ang operasyon ng illegal drugs

326

Manila, Philippines – Iminungkahi ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na putulin ang linya ng komunikasyon sa loob ng New Bilibid Prison.

Sa harap ito ng talamak pa ring transaksyon ng iligal na droga sa Bilibid.


Ayon kay Lacson – karamihan ng direktiba sa operasyon ng iligal na droga ay nanggagaling pa rin sa loob ng Bilibid kung saan may partisipasyon ang mga tiwaling prison guard.

Matatandaang sinabi ni BuCor Director Gerald Bantag na hindi pa rin nauubos ang mga nakukumpiskang kontrabando sa Bilibid gaya ng cellphone, laptop, pocket Wi-Fi, Wi-Fi router at iba pang electronic gadgets.

Sa kabila nito, tiwala ang senador na masasawata ang operasyon ng iligal na droga sa Bilibid.

Facebook Comments

From Advertisers