Lipatan sa PDP-Laban, ipinagtanggol ni Alvarez

93

Manila, Philippines – Dinepensahan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang lipatan ng mga kongresista sa PDP-Laban.

Lima sa sampu sa mga kongresistang lumipat sa leading party na PDP-Laban ay mula sa Liberal Party.


Binigyang diin ni Alvarez na walang kinalaman sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ang lipatan ng mga kongresista.

Ayon kay Alvarez, kung may mensahe man sa pagsapi ng mga mambabatas sa PDP-Laban, ito ay lalo aniyang dumarami ang sumusuporta sa administrasyon.

Dahil sa paglipat ng panibagong batch ng congressmen sa PDP-Laban, nasa 121 na ang pwersa nito ngayon sa Mababang Kapulungan.

Inaasahan namang isasalang na ng House Committee on Justice ang impeachment complaint laban kay Duterte sa Lunes.




Samantala, sinabi nina dating Liberal Party Solons Alfred Vargas at Geraldine Roman na maayos silang nagpaalam sa kanilang partido ukol sa pag-ober-da-bakod sa PDP-Laban.

DZXL558

Facebook Comments