Liquor ban at curfew, paiiralin sa Maynila sa pista ng Sto. Niño

44

Bukod sa pagbabawal sa mga aktibidad sa mga kalsada at plaza sa Maynila kaugnay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño sa darating na weekend, magpapatupad din ng liquor ban at curfew sa lungsod.

Epektibo ang pagpapatupad ng liquor ban sa January 16 at 17.


Layon nito na maiwasan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

Una nang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagbabawal sa pagdaraos ng street party, parada, palarong pangkalye at stage show kaugnay ng Pista ng Sto. Niño de Tondo at Sto. Niño de Pandacan.

Ang tanging pinapayagan lamang ay ang pagdaos ng misa sa mga simbahan.

Sa Sto. Niño de Tondo Cathedral, 15 misa lamang ang kanilang idadaos sa pista mula sa nakaugalian na 30 misa.




Facebook Comments