Lisensya ng driver at konduktor sa nag-viral na pananakit sa pasahero na may kapansanan, sinuspinde na ng DOTr

Suspendido na ang lisensya ng driver at konduktor ng bus sa nag-viral na pananakit sa isang person with disability (PWD) sa isang pampasaherong bus noong June 9.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, nakitaan nila ng pagkukulang ang bus company, driver, at konduktor sa insidente.

Ani Dizon, dapat pinigilan ng konduktor ang pambubugbog ng ilang pasahero sa isang lalaking may kapansanan sa pag-iisip.

Hindi man lang inihinto ng driver ang bus sa pinakamalapit na DOTr Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) at ni-report ang pangyayari.

Binigyang diin ni Dizon na responsibilidad ng driver na panatilihing ligtas ang kaniyang mga pasahero.

Samantala, ayon naman kay Land Transportation Office (LTO) Asec. Vigor Mendoza, nakausap na nila ang driver at konduktor at pinagpaliwanag ito. Ayon sa mga ito, nangangagat ang naturang pasahero at hindi nila alam na kinukuyog na ito sa loob ng bus.

Facebook Comments