
Suspendido na ang lisensya ni Alyannah Maria Aguinaldo o mas kilala bilang Yanna Motovlog matapos ang mapatunayang guilty sa ng LTO-Intelligence and Investigation Division sa kinasangkutan nitong road rage incident.
Ayon kay LTO Chief Asec. Vigor Mendoza II, bukod sa suspensyon ng lisensya, pinagbabayad rin ng kabuuang ₱7,000 si Aguinaldo dahil sa reckless driving at pagmamaneho ng motor ng walang side mirror.
Sa pitong pahinang desisyon ng LTO, lumabas na guilty si Yanna Aguinaldo batay na rin sa ipinadalang apology letter at affidavit na isinumite ng nakaalitang pick-up driver.
Kinastigo rin si Aguinaldo dahil sa hindi pagsunod sa utos na dalhin ang motor na ginamit at isama ang rehistradong may-ari nito.
Inatasan naman ang lahat ng mga enforcer na hulihin si Aguinaldo oras na makitang nagmamaneho habang suspendido ang kaniyang lisensya.