LISENSYA NG VIRAL BUS DRIVER SA LA UNION, BINAWI NA

Binawi na ng Land Transportation Office ang lisensya ng bus driver na si Mark Louie Burgos matapos siyang makuhanan sa viral video na mabilis at delikado ang pagmamaneho sa La Union nitong Semana Santa.

Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, dalawang beses nang na sangkot sa insidente sa kalsada si Burgos, kaya agad nang inaksyunan ng LTO at LTFRB.

Sa video, maririnig ang mga pasaherong natataranta at nakiusap sa driver na huminto. Dahil dito, inatasan ng DOTr ang pagsasampa ng kaso at permanenteng pagbawi ng kanyang lisensya.

Kasabay nito, pinatawan din ng 90-araw na preventive suspension ang lisensya ng konduktor ng bus, dahil sa kanyang kakulangan ng aksiyon habang nagaganap ang insidente.

Umabot na sa 671 drivers ang sinuspinde ngayong Semana Santa—kasama ang mga sangkot sa aksidente at ilegal na droga sa buong bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments