Listahan ng mga evacuation site para sa paglikas kapag may malakas na lindol, inilabas na ng Valenzuela LGU

Inilabas ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang listahan ng mga evacuation site na maaaring puntahan ng publiko sakaling tumama ang malakas na lindol.

Sa 33 barangay sa lungsod, 11 sa District 1 ang nagtalaga ng evacuation sites, habang dalawa naman sa District 2.

Sa District 1, nasa 24 evacuation sites ang itinalaga ng lokal na pamahalaan para sa mga barangay ng Arkong Bato, Wawang Polo, Poblacion/Polo, Veinte Reales, Palasan, Kanumay West, Dalandanan, Malanday, Bignay at Punturin.

Habang sa District 2 naman ay may 12 evacuation sites ang itinalaga sa mga barangay ng Karuhatan at Marulas.

Bukod sa mga evacuation site, binuksan din ang 18 3S Centers na nakakalat sa iba’t ibang lugar sa lungsod para sa mga ililikas na residente.

Facebook Comments