Listahan ng mga PBA players na sasabak sa FIBA Asia Cup qualifiers, naisumite na ng SBP

52

Naisumite na ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang listahan ng mga PBA players na sasabak sa second window ng FIBA Asia Cup qualifiers sa Pebrero sa Clark, Pampanga.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nasa 18 mga pangalan ang nasa wish list ng SBP.


Gayunman, tumanggi itong banggitin ang mga pangalan na napipisil nilang sumali sa nasabing torneo.

Nauna nang napabalitang kasama rito sina Bobby Ray Parks, RR Pogoy, Troy Rosario at Poy Erram ng TNT, Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra at Matthew Wright ng Phoenix Super LPG.

Ang nasabing mga manlalaro ay kabilang sa 15 hanggang 18 mga PBA players na target na mapabilang sa 29-man pool na magsasanay sa bubble set-up.

Facebook Comments