Listahan ng mga reserve players para sa NBA All Star 2021, inilabas na

43

Inilabas na ng NBA ang listahan ng mga reserve players ng Eastern at Western Conference para sa NBA All Star 2021.

Kabilang sa All Star reserves ng East ang 20-year old forward na si Zion Williamson ng New Orleans Pelicans at Zach Lavine ng Chicago Bulls na parehong unang beses na makakapaglaro sa All Star Games.


Ang iba pang makakasama sa East ay sina James Harden, Jaylen Brown, Jayson Tatum, Julius Randle, Ben Simmons at Nikola Vučević.

Habang maglalaro para sa West sina Chris Paul, Anthony Davis, Paul George, Donovan Mitchell, Rudy Gobert at Damian Lillard.

Samantala, magsisilbi namang team captain ng West si Lebron James at si Kevin Durant para sa East.

Facebook Comments