LIVE FIRING SA COASTAL AREAS SA BURGOS, ISASAGAWA BILANG MILITARY EXERCISE

Pinayuhan ang mga residente at turista sa coastal areas ng Burgos, Pangasinan na mag-ingat at sumunod sa mga abiso ng awtoridad kaugnay ng isasagawang military exercise sa bayan mula Marso 7 hanggang 9, 2026.

Isasagawa ng Armed Forces of the Philippines ang ICOW Combined Arms Training Exercise o CATEX “KATIHAN” 2026, kung saan magkakaroon ng live firing activity sa Marso 8 mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi, at sa Marso 9 mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Pinapayuhan ang mga residente ng Barangay Ilio-Ilio at mga mangingisda na pansamantalang iwasan ang paglalayag at pagpunta sa mga itinuturing na danger zone habang may live ammunition na ginagamit.

Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalagang sundin ang mga direktiba ng mga awtoridad at bantayan ang mga opisyal na anunsyo para sa kaligtasan ng lahat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments