Live From The Field

14

Libacao, Aklan – Kasong Frustrated Homicide ang kinakaharap ngayon ng isang construction worker matapos na tagain ang kainumang sekyu kagabi sa Poblacion, Libacao, Aklan.
Ang biktima ay kinilalang si Jolord Villorente Zomel, 28-anyos nasabing lugar habang ang suspek ay nakilala kay Joe Marie Gallon Zapanza, 48-anyos ng Janlud, Libacao.
Base sa imbestigasyon ng Libacao PNP, nag-iinuman ang dalawa kagabi sa compound ng Libacao Forestry Vocational School kung saan nakaduty ang biktima, pero bandang huli ay nagtalo ang dalawa sa hindi malamang dahilan.
Unang sinuntok umano ng biktima ang suspek na naging dahilan ng pananaga kung saan tinamaan ang biktima sa kanang tenga.
Agad dinala ang biktima sa hospital sa Libacao matapos na mag report ito sa Libacao MPS at naaresto ang suspek.

Facebook Comments