SAN FERNANDO CITY, ALOK ANG LIBRENG TRANSPORTASYON SA MGA SENIOR CITIZEN AT MENOR DE EDAD NA NAIS MAGPABAKUNA 

ALOK ng lungsod ng San Fernando sa probinsiya ng La Union ang libreng transportasyon para sa mga senior citizen at menor de edad na gustong magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang sinumang residente na gustong magpabakuna ngunit walang masakyan, ang city government ay mayroong handog na transportasyon.

Kailangan munang magparehistro online o kaya naman makipag-ugnayan sa focal person ng barangay upang mabigyan ng schedule sa oras ng kanilang vaccination.


Isinasagawa ang pagbabakuna sa Fr. Burgos Gym St. Louis College.
Kamakailan lamang ilang senior citizen din ang na-engganyong magpabakuna mula sa dalawang barangay na tinulungang makarating sa nasabing vaccination site. ###

Facebook Comments