
Magsasagawa ng live viewing para sa libing ni Pope Francis ang ilang simbahan sa Metro Manila ngayong alas kwatro ng hapon.
Kabilang dito ang Cathedral of Cubao o Immaculate Concepcion sa Quezon City.
Bago ang live viewing mag-aalay muna ng panalangin sa pamamagitan ng pagrorosaryo para kay Pope Francis sunod nito ay ang live viewing ng libing ni Pope Francis sa Vatican na susundan ng misa mamayang alas sais ng gabi.
Isang Requiem Mass naman ang isinagawa ng National Shrine of Our Lady of Perpetual Help sa Parañaque City kagabi, habang bukas naman ang simbahan ng Baclaran para sa mga nais mag-alay ng panalangin para kay Pope Francis.
Facebook Comments