Liyab Esports Team, muling sasabak sa 2021 League of Legends Pacific Championship Series

36

Nakatakdang lumaro ang grupong Liyab Esports sa League of Legends Pacific Championship Series (PCS) sa 2021 Spring Split sa susunod na buwan.

Ang Liyab team ay binubuo ng all-filipino lineup sa pangunguna nila Kyle “Dawn” Somera, Ren “Kanji” Motomitsu at Edrian “Doedoii” Brancia.


Ilan sa kanilang makakalaban ay Hong Kong’s PSG Talon Esports, Hong Kong Attitude, Taiwan’s Machi Esports, Alpha Esports, Beyond Gaming at Taipei J Team.

Matatandaang nasa ika-siyam na pwesto mula sa sampung manlalaro ang Liyab Esports noong nakaraang taon.

Facebook Comments