Liza Soberano, may buwelta sa basher na tumawag sa kaniyang ‘boba’

Sinagot ng 22-year-old actress na si Liza Soberano ang isang netizen na tumawag sa kaniyang “boba” kasunod ng pagkuwestiyon niya sa absolute pardon ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, na na-convict sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.

Una na kasing nag-tweet si Liza at sinabi nito kung patas bang pinatay si Laude dahil sa sexual orientation nito.

Dahil dito, isang netizen ang nagsabing boba ang aktres at isang acting lang ang pagiging matalino nito.


Sarcastic namang tugon ni Liza sa netizen na nasaktan siya sa mga sinabi patungkol sa kaniya.

Facebook Comments