Liza Soberano, naging emosyonal sa pagdalaw sa puntod ng kanyang ama

92

Manila, Philippines – Naging emosyonal ang aktres na si Liza Soberano nang bisitahin ni Enrique Gil ang kanyang ama.

Makikita sa instagram post ng aktres ang litrato nang dumalaw sila ni Enrique sa libingan ng kanyang ama noong isang araw.

Ayon kay Liza, naka-saksi kasi siya ng isang magandang pangyayari at hindi mapantayan ang tuwa niya nang kuhanan niya ng litrato si Enrique na nag-aalay ng bulaklak sa puntod ng kanyang ama.

Samantala, si Enrique din ay nagpost ng isang throwback picture kung saan kasama ang kanyang ama at kapatid.

Nagpahatid siya ng kanyang pagbati sa kaarawan ng kanyang daddy at ang labis na pagka-miss na nito sa kanya.

Facebook Comments