Liza Soberano, nilinaw kung bakit nabura ang mga laman ng kaniyang Instagram

Nilinaw ni Liza Soberano na hindi na-hack ang kaniyang Instagram account kaya nabura ang lahat ng laman nito.

Sa ipinost na selfie ni Liza sa kaniyang Instagram stories, nilagyan niya ito ng message na nagsasabing hindi siya na-hack.

Nais lang raw niya na magkaroon ng panibagong simula.


Mayroon 8.8 milyon followers ang Instagram account ni Liza, na kamakailan ay napabilang sa “hall of fame” ng “The 100 Most Beautiful Faces” ng British movie critic na si TC Candler.

Facebook Comments