Liza Soberano, sasampahan ng kaso ang gumawa ng rape comment sa kanya

129

Nagpasya nang magsampa ng kaso ang kampo ng aktres na si Liza Soberano laban sa empleyado ng isang internet service provider na Converge na gumawa ng rape comment laban sa aktres.

Ayon sa Manager ni Liza na si Ogie Diaz, hindi nila palalampasin ang ginawang rape threat na nagbunga ng kontrobersiya sa social media.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa kanilang mga abogado para magawan agad ito ng legal na aksyon.

Nabatid na una nang nag-trending ang komento ng empleyado ng nasabing internet provider, kung saan sinabi nitong “di bale nang masira ang image, magkapera lang at sarap ipa-rape sa mga…”

Sa panig naman ng Converge nangako ang kumpanya na papatawan agad ng disciplinary action ang kanilang empleyado.

Facebook Comments