LJ Reyes, nahanap na ang kaniyang perfect workout buddy

28

Nahanap na ng aktres na si LJ Reyes ang kaniyang perfect workout buddy.

Ito’y walang iba kundi ang kanilang unica hija ni Paolo Contis na si Summer Ayana.


Sa Instagram, lumabas ang pagka-bibo ni Summer habang sinasabayan si LJ sa kaniyang everyday workout routine.

Say ni LJ, hindi na nila ngayon pinoproblema ang pagkakaroon ng yaya ng kanilang chikiting dahil ito na ang bonding time nilang mag-ina.

Bukod sa workout video, kinakaaliwan din ng maraming netizens ang “acting workshop” ni Summer kasama ang kaniyang Daddy Paolo.

Facebook Comments