LNB President Victor Dy, Hiniling na Maamyendahan ang Ordinansang Curfew Hour!

42

*Cauayan City, Isabela- *Hiniling ni Liga ng mga Barangay President Victor Dy sa konseho ng Lungsod ng Cauayan na maamyendahan ang ordinansa na curfew hour para sa mga menor de edad.

Ayon kay LNB President Dy, ito ay upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga menor de edad na nasa mga lansangan lalo na kapag gabi.


Kaugnay nito, kung sakaling may mga mahuling bata na hindi sumunod sa curfew hour ay ang mga magulang na ang mabibigyan ng parusa.

Hiniling naman ni City Councilor Cynthia Uy sa konseho na kung maaari ay hanggang alas dose lamang ng hating gabi ang operasyon ng mga computer shop sa Lungsod na kalimitang tinatambayan ng mga kabataan.

Sa ngayon ay magpapatawag ang konseho ng pulong sa mga may-ari ng computer shop upang mapag usapan ang nasabing isyu.

Facebook Comments

From Advertisers