Isinusulong ang mga lokal na bamboo products sa Alaminos City sa paglulunsad ng Shared Service Facility (SSF) para sa Engineered Bamboo Development Project sa Hundred Islands E-Kawayan Factory.
Bilang bahagi ng proyekto, isang bagong laser cutting at engraving machine ang itinurn over sa pamahalaang lungsod upang magamit sa paggawa ng mga produktong gawa sa kawayan.
Ayon sa DTI Region 1, layunin ng proyekto na palakasin ang kakayahan ng mga lokal na gumagawa ng bamboo products at mapalago ang industriya ng kawayan sa rehiyon.
Inaasahan ding makatutulong ang pasilidad sa paglikha ng mga kabuhayan at sa pagpapalakas ng produksyon ng mga de-kalidad na produktong kawayan sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







