Local candidates, malaya pang maglagay ng malalaking tarpaulins

56

Manila, Philippines – Hindi pa sakop ng paghihigpit ng COMELEC sa pangangampanya ang mga lokal na kandidato.

Ayon sa COMELEC, sa March 29 pa ang simula ng campaign period para sa local candidates.


Bunga nito, malaya pang maglagay ng malalaking tarpaulins ang mga lokal na kandidato.

Samantala, tiniyak ni COMELEC Spokesman James Jimenez na babantayan pa rin nila ang mga post sa social media ng mga kandidato.

Ayon kay Jimenez, saklaw parin kasi ng mga umiiral na batas ang social media sa ilalim ng depenisyon ng “mass media’ kaya maari paring silipin ng COMELEC ang mga pulitikong gagamit ng Social media sa kanilang pangangampanya.

Facebook Comments

From Advertisers