Local chief executives, pinulong ni PRRD

Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pinuno ng mga pamahalaang panlalawigan at lokal sa Manila Hotel kagabi.

Sinabi ni DILG Undersecretary Martin Diño – aabot sa higit 1,000 alkalde at gobernador mula sa iba’t-ibang lalawigan, lungsod at munisipalidad ang dumalo.

Ang meeting aniya ay pagpapatuloy ng SONA.


Kabilang sa mga tinalakay ng Pangulo ay ang kampanya laban sa ilegal na droga, paglaban sa korapsyon at terorismo.

Muli ring binanggit ng Pangulo ang mga pulitko sa kanyang narcolist.

Nagbanta rin ang Pangulo sa mga gobernador at alkalde na may paglalagyan sila sakaling mapatunayang sangkot ang mga ito sa ilegal na droga.

Facebook Comments