Local film industry, ipadiriwang sa Pilipinas tuwing Setyembre

19

Ipagdiriwang at ipamamalas tuwing buwan ng Setyembre ang industriya ng mga lokal na pelikula.

Ito ay kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1085, kung saan ang buwan ng Setyembre ay idineklarang “Philippine Film Industry Month.”


Nakasaad sa proklamasyon, na kailangang makilala ang mga naging ambag at sakripisyo ng lahat ng stakeholders at sectors ng film industry at pagbibigay daan para ipakita at ipagdiwang ang mga napagtagumpayan at progreso sa film discipline at filmmaking.

Inatasan ni Pangulong Duterte ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pangunahan ang selebrasyon at alamin ang mga programa at aktibidad para dito.

Ang mga government agencies kabilang ang mga government corporations at state universities and colleges ay dapat makipagtulungan sa FDCP sa pag-obserba sa film industry month.

Facebook Comments