Local officials na nangangampanya ng kandidato, kakasuhan na ng DILG

91

Manila, Philippines -Inabisuhan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Commission on Elections (Comelec) na maghahain sila ng reklamo laban sa incumbent barangay at Sangguniang Kabataan officials na nangangampanya ng kandidato para sa midterm elections.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III – nilabag ng mga ito ang Omnibus Election Code at joint circular na inisyu ng poll body at ng Civil Service Commission (CSC).

Aabot na sa 700 reklamo ang natatanggap ng DILG laban sa mga local officials mula sa ordinary citizens sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Hinimok din ng DILG ang mga pasaway na opisyal na bakantehin ang kanilang pwesto.

Samantala, tiniyak ng Comelec na aaksyunan ang mga posibleng election offenses.

Facebook Comments