Locally-produced na COVID-19 vaccine, ipinakokonsidera sa pamahalaan

Ipinakokonsidera ni Misamis Oriental Rep. Juliette Uy sa pamahalaan ang pagpo-produce ng sariling COVID-19 vaccines sa bansa.

Ayon kay Uy, kung hindi pa handa ang bansa para sa maramihang cold storage facilities ay dapat pag-aralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pag-manufacture ng bansa ng mga bakuna.

Maaari aniyang magsagawa ng locally-produced na COVID-19 vaccines sa mga industrial estate tulad ng PHIVIDEC sa ilalim ng lisensya ng mga original manufacturers.


Bukod dito, mangangailangan din aniya ang bansa ng ligtas na lugar kung saan maaaring iimbak ang mga bakuna at iba pang supply para sa hinaharap.

Maliban sa mga residente ng bansa ay isasailalim din sa pagbabakuna ang mga umuuwing balikbayan at OFWs, foreign tourists, crew ng international airlines, passenger ships, cargo ships, personnel ng mga foreign embassy at international regional headquarters, pati na ang mga visiting foreign troops.

Facebook Comments