Lockdown sa lungsod ng Davao, tinanggal na ni Davao City Mayor Sara Duterte

194

Manila, Philippines – Tinanggal na ni Davao City Mayor Sara Duterte ang ipinatupad na lockdown sa lungsod kasunod ng pagpapatupad ng Martial Law ng kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid na ipinatupad ng alkalde ang lockdown upang maiwasang makapasok ang mga teroristang Maute Group sa Davao City.


Pero ayon kay Mayor Sara – sa ngayon ay “hold and secure” na lamang ang status sa Davao City.

Inabisuhan naman niya ang mga residente na umiwas sa mga matataong lugar, pero maari pa namang bumisita sa kanila ang mga turista.

Asahan na rin aniya ang mahigpit na seguridad na ipinatutupad, at pinaalalahanan rin ang mga motorista na laging dalhin ang rehistro ng kanilang sasakyan at valid IDs.
DZXL558

Facebook Comments