Lokal na pamahalaan ng Batangas, nilinaw na hindi nagkulang sa pagpapaalala ang Phivolcs sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal

157

Iginiit ng lokal na pamahalaan ng Taal, Batangas na hindi nagkulang sa pagpapaalala ang PHIVOLCS kaugnay sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ayon kay Taal Mayor Fulgencio Mercado – patuloy na nag-aabiso ang PHIVOLCS sa nagiging aktibidad ng bulkan.


Dagdag pa ng alkalde, matagal nang alam ng mga residente ng Taal at mga katabing bayan na aktibo ang bulkan bago pa man ito pumutok.

Una nang sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na matagal na silang naglalabas ng bulletin kaugnay sa Bulkang Taal sa publiko mula pa noong Marso 2019.

Facebook Comments
From Advertisers