Lokal na pamahalaan ng Cebu, naglabas na ng pabuya para sa pagkadarakip ng suspek na bumaril sa isang nurse

31
Manila, Philippines – Sugatan ang isang lalaking nurse matapos barilin ng nakaalitang motorista sa Cebu.
 
Makikita sa video ang pagsugod ng suspek na nakaputing t-shirt sa lalaking naka-asul.
 
Maya-maya, ilang beses na nagpaputok ng baril ang suspek at tila-namilipit ang biktima.
 
Agad na umalis ang suspek at ang kasama nitong babae sakay ng isang luxury car.
 
Ayon sa Cebu city police, tinamaan sa hita at bukong-bukong ang biktima.
 
Sa ulat, nag-overtake ang suspek sa biktima kung saan ilang beses na binusinahan ng biktima ang suspek.
 
Bumaba ng sasakyan ang suspek kung saan sinipa ang kotse ng biktima at doon na nangyari nang insidente.
 
Naglabas na ng 100,00 pisong pabuya ang lokal na pamahalaan para sa ikadarakip ng suspek.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments