Lokal na pamahalaan ng Makati, magsasagawa ng job fair sa Pebrero 12

40

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Makati na magsasagawa sila sa job fair sa pebrero a-dose, araw ng Miyerkules.

Base sa inilabas na impormasyon ng Makati City Public Information Office, magsisimula ang job fair mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.


Mayroon limang malalaking kompanya ang sasali sa nasabing job fair.

Ang mga posisyon na maaaring applayan ay mga trabho sa food industry gaya ng Service Crew, Waiter, Kitchen Crew, Food Checker at Busboy.

Mayroon din Sales Clerk, Cashier, Bagger, Data Encoder, Accountant, Janitor, Loans Assistant at sa BPO industry bilang Customer Service Assistant.

Paalala ng Makati Public Information Office sa mga dadalo ng job fair na magdala ng maraming resume o biodata bago magtungo Makati City Public Employment Service Office (PESO), na nasa 5th floor, Makati City Hall Building.

Facebook Comments