Lokal na pamahalaan ng Maynila, umapela sa mga vendors sa gagawing pagsasaayos sa Plaza Miranda

58

Umapela ngayon si Manila Mayor Isko Moreno sa mga vendors na magbigay-daan sa gagawing pagpapaganda at pagsasaayos ng Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay Mayor Isko, nais lang niyang tugunan ang hiling ng isang netizen na nakakita sa kasalukyang sitwasyon ng Plaza Miranda kung saan hangad ng netizen na isama ito sa ginagawang rehabilitasyon ng lokal na pamahalaan sa ilang lugar sa Maynila.


Dahil dito, inatasan na ni Mayor Isko ang Director ng Parks and Recreation Bureau na si Pio Morabe na planuhin na ang pagsasaayos sa Plaza Miranda.

Nakiusap si Mayor Isko sa mga vendors na nasa Plaza Miranda na makiisa at huwag nang magpasaway pa sa gagawing rehabilitasyon.

Sa isinagawa naman na inspection ng Office of City Engineer, matibay pa rin naman ang mga poste na nasa paligid ng Plaza Miranda kung saan sinisimulan na nila kasama ang Parks and Recreation Bureau ang pagpipintura sa ilang bahagi nito.

Facebook Comments