Lokal na Pamahalaan ng Muntinlupa, nagsagawa ng Mrs. Gandang Ngiti ni Buntis 2020

36

Kasabay ng pagdiriwang ng National Dental Month ngayong buwan, isinagawa ng Local government ng Muntinlupa ang Mrs. Gandang Ngiti ni Buntis 2020.

Para sa ngayong taon, hinirang na Mrs. Gandang Ngiti ni Buntis si Christine Fridah Francisco ng Barangay Buli.


Ayon kay Muntinlupa Mayor Jamie Fresnedi, layunin ng nasabing patimpalak na  mai-promote ang malusog na pagbubuntis at oral health.

Tiniyak naman ng alkalde na mayroong sapat na pondo ang Lokal na pamahalaan ng Muntinlupa upang makapagbigay ng medical assistance para sa mga pregnant women sa kanyang lungsod.

Ang Mrs. Gandang Ngiti ni Buntis ay ginawa sa Museo ng Muntinlupa sa pangunguna ng

City Health Office and Gender and Development Office.

Facebook Comments