Lokal na pamahalaan ng San Pedro City sa Laguna, planong bigyan lahat ang mga residente ng ayuda mula sa national government

287

Inanunsiyo ngayon ng lokal na pamahalaan ng San Pedro City, Laguna na kanilang sisimulan ang pamamahagi ng cash assistance mula sa national government sa darating na Miyerkules, April 14, 2021.

Sa inilabas na anunsyo ni San Pedro City, Laguna Mayor Lourdes Cataquiz, house-to-house ang gagawing pamamahagi kung saan aantabayanan lamang ang schedule kada barangay na ilalabas sa official Facebook page ng Public Affairs & Information Office ng San Pedro City.


Kinakailangan lamang na ihanda ang mga sumusunod:
• ballpen
• photocopy ng kahit na anong proof of identification tulad ng VALID ID, Barangay Certification, etc.
• photocopy ng birth certificate kung wala pang valid ID (sa mga minor)

Sinabi pa ng alkalde na lahat ng household ay kanilang bibigyan nasa listahan man ng Social Amelioration Program (SAP) o wala.

Sinisiguro rin nila na maigting na paiiralin ang mga health and safety protocol sa gagawin nilang pagpunta sa mga bahay-bahay.

Matatandaan na house-to-house rin ang ginawang pamamahagi ng lokal na pamahalaan ng Sta. Rosa City at Biñan City sa Laguna.



Nabatid na naglaan pa ng karagdagang pondo ang Sta. Rosa City Local Government Unit (LGU) para mabigyan ang ibang sektor tulad ng mga tricycle drivers, person with disabilities at mga mangingisda.


Ang Biñan City naman ay nagpa-alala na kinakailangan lamang na makumpleto nila ang pag-fill up ng forms gayundin ang mga hinihinging requirements.

Facebook Comments