Lokal na pamahalaan sa Pagadian, mariing kinondena ang panibagong pagpugot ng Abu Sayyaf Group sa kanilang bihag

Pagadian, Philippines – Kinondena ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pagadian ang pagpugot ng teroristang Abu Sayyaf Group sa kanilang bihag na si Noel Esconde noong nakaraang Linggo.

Sa isinagawang 35th regular session ng Sangguniang Panglungsod kaninang umaga, ipinaabot ang kanilang pakikiramay lalo na’t residente sa Pagadian City ang misis ng biktima.

Isang resolusyon rin ang ipinasa na naghihikayat sa mga nakatira sa coastal barangay na magtulungan para matiyak at mapapanatiling ligtas at malayo sa banta ng terorismo ang bawat isa.
Nation


Facebook Comments