Lokasyon at ikalawang suspek sa Bunduquin slay case, tukoy na ng PNP

Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakakilanlan at lokasyon ng ikalawang suspek sa pamamaslang sa mamamahayag na si Cresenciano Bunduquin.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., nakahanda na silang kasuhan ang hindi muna pinangalanang suspek.

Ani Acorda, hindi muna ito papangalanan hangga’t hindi pa pormal na naisasampa ang kaso sa piskalya.


Naniniwala rin ang PNP chief na malakas ang kaso laban sa suspek dahil hawak nila ang primary witness sa krimen.

Sa ngayon, hindi pa batid na pulisya ang motibo sa pamamaslang kay Bunduquin pero iba’t ibang anggulo ang kanilang tinitignan.

Nabatid na umaabot na sa P150,000 ang reward money sa makapagtuturo sa kinaroroonan o anumang impormasyon laban sa suspek.

Facebook Comments