Lola, pinagsasaksak ng lalaking may nervous breakdown

14

Balete, Aklan – Nagtamo ng multiple stab wounds ang isang lola matapos na makailang beses itong sinaksak ng lalaking may nervous breakdown kahapon ng hapon sa Sitio Tabayag, Arcanghel Sur, Balete, Aklan. Ayon kay PMSGT. Sison ng Balete PNP, na nakatanggap sila ng report na merong stabbing incident sa lugar at agad silang nag responde at nakilala ang biktimang si Aurora Quillano, 65-anyos at ang itinuturong suspek ay nakilalang si Michael Bermas, 35-anyos lahat residente ng lugar. Base sa ibinigay na impormasyon ng saksi na si Brgy. Tanod Gery Quives sa mga otoridad na nakita nya ang biktima na tumatakbo sa pathway sa gitna ng palayan at hinahabol ng suspek pero sa kasamaang palad ay nadapa ang biktima at doon na siya pinagsasaksak ng suspek. Agad namang dinala sa hospital ang biktima at isinailalim sa operation dahil sa dami ng tama nito. Kinumperma naman ng nanay ng suspek sa mga otoridad na merong problema sa pag-iisip ang kanyang anak at may maintenance pero ilang araw itong hindi nakainom. Sa ngayon ay patuloy na ginagamot pa ang biktima habang ang suspek ay naaresto naman agad. Hindi na recover ang patalim na ginamit ng suspek. Nakatakda ring kukunan ng statement ang biktima para sa isasampang kasong frustrated murder sa suspek.

Facebook Comments