Lolo na 39 beses na Ginahasa ang sariling Apo, Arestado

Cauayan City, Isabela-Arestado ang isang lolo sa kasong panggagahasa sa kanyang sariling apo matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest nito kahapon sa Piat, Cagayan.

Batay sa ulat ng Cagayan Police Provincial Office, isang menor de edad ang naging biktima ng panggagahasa ng kanyang sariling lolo.

Sa naging salaysay ng bata,paulit-ulit umano itong pinagsasamantalahan ng kanyang lolo na nagsimula pa noong March 2018.


Dahil sa matinding takot, hindi niya nagawang magsumbong matapos pagbantaang papatayin siya gayundin ang kanyang mga kapatid.

Sinubukan rin umano niyang magsumbong sa kanyang ama subalit hindi ito pinaniniwalaan hanggang noong July 2019 ay naglakas muli itong magsumbong sa kanyang lola at agad na sinamahan sa pulisya para ipa-blotter ang insidente.

Magkasanib pwersa ang mga tauhan ng Piat Police Station at 17th Infantry Battalion, Philippine Army na umaresto sa akusado na kinilalang si alyas Voltaire, 64-anyos, isang magsasaka at residente ng Sto. Niño, Cagayan.

Ito ay matapos ipag-utos ni Judge Edmar P. Castillo, Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 11, Tuao, Cagayan para sa kasong 39 counts ng panggagahasa at walang inirekomendang piyansa.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments