LOLO NA MAGHAHATID LANG NG KANYANG APO SA ESKWELA, NASAWI, MATAPOS MASALPOK NG ISANG SUV

Nasawi ang isang 67-anyos na lolo at sugatan naman ang 6-anyos nitong apo, matapos masalpok ng isang SUV sa Barangay Bongalon, Labrador, Pangasinan.

Sa ibinahaging CCTV Footage ng Labrador Police Station, Kitang-kita ang pagsalpok ng SUV sa palikong motorsiklo na lulan ng mag-lolo.

Ihahatid lang umano ng matanda ang kanyang apo sa eskwelahan ng mangyari ang insidente.

Sa tindi ng pagkakabangga, tumilapon ang dalawa, ilang metro mula sa kanilang kinaroroonan.

Kasalukuyang nagpapagaling ang 6-anyos na bata matapos sumailalim sa operasyon, dala ng natamo nitong bali sa katawan.

Nakalaya naman ang 19-anyos na driver ng SUV matapos makapag-piyansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments