Lolo sinaksak ng lasing sa lamay

12

New Washington, Aklan – Patuloy ngayon na ginagamot sa isang pribadong hospital ang isang lolo matapos na masaksak ng lasing sa lamay kagabi sa Sitio Centro, Brgy. Candelaria, New Washington. Nakilala ang biktima na si Fortunato Teodosio, 68-anyos habang ang suspek ay kinilalang si Diosdado Ambito, 50-anyos at parehong residente ng nasabing lugar. Base sa report ng New Washington PNP na nakatayo ang biktima, nanunuod ng mga naglalaro ng Bingo sa lamay ng biglang dumating ang lasing na suspek at inundayan ito ng saksak sa kanyang kanang dibdib at ito’y bumagsak. Matapos ang pananaksak ay naglakad ang suspek papalayo na parang walang nangyari. Samantala, sa ginawang follow up ng mga taga New Washington PNP ay nahuli ang suspek at sa ngayon ay nakakulong sa lock up cell para sa karampatang disposisyon.

Facebook Comments